Sabado, Agosto 2, 2014

" Ang mga Sinaunang Kabihasnan "

" Kabihasnan sa Mesopotamia "



- kahulugan at pagkabuo ng Kabihasnan -
    Ang pagsasaka ay ang susi sa pag-unlad ng kabihasnan. nagbubunga ng sapat o sobrang pagkain ang maayos at mahusay na pagsasaka. Ang pagkakaroon ng sobrang pagkain ay nagbigay-daan para sa espesyalisasyon ng paggawa. Ang mga bagong gawaing artisano, mangangalakal, pinunong politikal, pari, o kaya sundalo ay nagdala ng makabagong larangan na mahalaga sa paglubog ng isang kabihasnan.
   Upang matawag na mayroong sibilisasyon ang isang lipunan  kailangan taglay nito ang mga sumusunod:


* Pagkadalubhasa sa paggawa
Ang paggawa ng palayok ay isang halimbawa ng sangkap sa isang sibilisasyon na pagkakaroon ng mga taong may tiyak na ginagampanan.





* Pag-antas ng lipunan
 Habang umuunlad ang sibilisasyon, Ang maituturing pangkat ng mga dalubhasa ay nagkakaroon ng kapangyarihan sa lipunan tulad ng mga sundalo.








 * Pagtatag ng mga lungsod
 Ang mahalagang katangian ng sibilisasyon ang pagkakaroon ng mga lungsod na nag sisilbing sentro ng kalakalan, at pamamahala.







* Pagkakaroon ng maunlad na sistema ng pamamahala.
Ang  tagapagpatupad ng batas , at mangngalaga sa mga nasasakupan ay taglay sa sibilisasyong lipunan ang mga taong namamahala.


* Pagkakaroon ng maunlad na sistema sa pagsulat
 Ang sistema ng pagsulat ay kinakailangan upang magkaroong ng maaayos na pagsagawa ng trabaho sa pamamahala, at pagtala ng kasaysayan at kalinangan ng isang lipunan.







*  Pagkakaroon ng mataas na kalinangan
 Ang pagkakaroon ng magkatulad na pananampalataya, at paniniwala ay nagsisilbing batayn ng pagkakaisa ng isang lipunan.







" Simula ng Kabihasnan sa Mesopotamia "
          Napapalibutan ang lambak-ilog ng Mesopotamia ng Kabundukang Taurus sa hilaga at Kabundukang Zagros sa silangan. Ang hangganan naman ng Mesopotamia sa timog ay ang Disyerto ng Arabia, at sa timog-silangan at ang Golpo at Persia.
     Ang pangalan ng Mesopotamia ay nagmula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay "Lupain sa pagitan ng mga ilog". Ang ilog Tigris at ilog Eupharates ay ang dalawang ilog na tinutukoy rito.

" Pagbuo ng mga Lungsod-estado sa Sumer "
         
        Sa paglipas ng panahon, nagsanib ang maliliit na pangkat ng mga magsasaka sa Mesopotamia upang bumuo ng mga Lungsod-estado tulad ng Uruk, Kush, Lagash, Umma, at Ur.
      Pinamumunuan ng mga pari na naninirahan sa mga templo ng ziggurat ang unang uri ng pamahalaan ng mga Sumeryano.


" Ang mga Unang Imperyo "

Akkadian
   

      unti-untingng nasakop ang mga lunsod ng Sumer ng Kaharian  
      ng Akkad na pinamunuan ni Sargon The Great. Sa ilalim ng                     pamamahala ni Haring Sargon, lumawak ang sakop ng Akkad                at kinilala bilang unang imperyo.












Babylonian
                                                                        
                       


        Nakamit ng imperyong Babylonian ang rurok sa kapangyarihan sa           ilalim ng pamumuno ni hammurabi.
        Makalipas ang dalawang siblo nabuwag ang imperyo dahil sa                 pananalakay ng mananakop na pastoralistang nomadiko.
     






Assyrian



Ang mga lupaing malapit sa Assyria ay ginawang lalawigan at ang mga kaharian na kaalyado ng imperyo ay pinangalagaan ng hukbong Assyrian laban sa mga kaaway at mananalakay.










Chaldean

Itinatag ng mga Chaldean ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon.
 Naging tanyang na hari ng mga Chaldean si Nebuchadnezzar dahil sa pinagawa niyang Hanging Gardens na itinuturing isa sa Seven Wonders of the Ancient World.












Relihiyon
     Angh mga Sumeryano ay maituturing na may politiestikong pananampalataya. Dahil pinaniniwalaan nilang pinamamahalaan ng mahigit 3 000 diyos ang iba't ibang aspekto ng kanilang buahy.
               



Si Enlil, ang pinakamakapangyarihan nilang diyos.
Ang Diyos ng hangin at ng mga ulap.









Si Shamash, ang diyos ng araw na nagbibigay ng kaliwanagan.












   Si  Inanna, ang diyosa ng pag-ibig at digmaan.









      Ang Masasamang mga Udog ay ang pinakamababa na antas ng mga diyos na pinaniniwalaan nilang tagapaghatid ng sakit, kamalasan, at gulo.


" Ambag sa Kabihasnan "
          Maraming imbensyong nilikha sa mesopotamia ang ginagamit pa rin ng tao hanggang sa kasulukuyan. Sa larangan ng transportasyon, nilikha ng mga sumeryano ang gulong at layag. Napaghusay rin ang pagsasaka sa pagkakalikha nila ng arari na pambungkal ng lupa, ang bronse naman ay ginamit ng mga chaldean bilang kasangkapan at armas.


" Kabihasnan sa Egypt "

               Maagang naging kaharian ang Egypt kung kaya nakaranas ito ng matatag at natatanging kultura.

 - Lokasyon at Heograpiya -
           Ang lokasyon ng Egypt ay natatangi sapagkat napapalibutan ito ng mga disyerto.
     matatagpuan ang Disyerto ng Sinai sa silangang hangganan ng Egypt, sa timog naman ay ang Disyerto ng       Nubia, at sa kanluran ay ang malawak na Disyerto ng Sahara. dumadaloy namn sa gitna ang ilog Nile.

- Simula ng Kabihasnan sa Egypt -
        nahahati ang Egypt sa  dalawang kaharian. sa ilalim ng pamumuno ni Menes nabuklod ang dalawang kahariang ito. Hinati ng mga historyador ang mga kaharian sa tatlo : ang Lumang Kaharian; Gitnang Kahrian; at Bagong Kaharian.


" Ang Lumang Kaharian " 
         Sa panahong ito, nagsimulang tawagin na paraon ang pinuno ng kaharian.itinuturing ding isang diyos ng mga tao ang paraon.
      Tinawag ding " Panahon ng Pyramide "  ang Lumang Kaharian. dahil nagsimulang magpatayo ang mga paraon ng libingan na hugis pyramide sa panahong ito. ang unang pyramide ay ang kay Paraon Djoser na ang disenyo ay bai-baitang.
       Ang pyramide ay patunay ng katatagan ng pamamahala ng paraon at husay ng kanilang kabihasnan.

" Ang Gitnang Kaharian "
         Sa pamumuno ni Haring Metuhotep II, ang Egypt ay muling napag-isa, ito ay ang pagsisimula ng Gitnang kaharian. ang panahong ito ay pinakilos ng mga maharlika kaya kinilala rin itong " Panahon ng mga Maharlika."

" Ang Bagong Kaharian "
          Ang Bagong Kaharian ay nagsimula sa paghahari ni Ahmose I. ang egypt ay binuo muli ni Ahmose sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng thebes. Siankop din niyang muli ang Nubia at Canaan kaya tinagurian sing " Panahon ng Imperyo "



kabilang sa natatanging paraon ng Bagong Kaharian ay si Reyna Hatsepshut na unang babaeng paraon na nag dala ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt.








nang maging paraon naman si Rameses II, ipinatayo niya ang lungsod ng Pi-Ramesses at mga gusali ng Abu Simbel at templo ng Ramesseseum.








 - Katangian ng Kabihasnan -

 "Relihiyon
        Ang paniniwala ng mga Ehipsiyo ay politeistiko. Umabot sa mahigit 2000 ang diyos ng mga Ehipsiyo.
      Ilan sa kanilang diyos ay :


Si Ra, ang Diyos ng Araw.











    Si Horus, ang Diyos ng Liwanag.












Si Isis, ang Diyos ng mga ina at asawa.







Lipunan
     Ang lipunan sa Egypt ay maihahambing sa isang piramide.

Pagsulat
    Ang pag-unlad ng sistema ng pagsulat ay susi sa paglago ng kabihasnan sa Egypt. naitala nila ang kanilang paniniwala, kasaysayan, pag-aaral, at iba pang bahagi ng kanilang kultura, sa pamamagitan nito.
   Sa panahon ng sinaunang Egypt, tinutumbasan ng hugis o larawan ang isang bagay.  nagsusulat ang mga Ehipso sa bato at luad, hanggang maimbento nila ang papel na mula sa papyrus reeds.

Agham at Teknolohiya
    Ang mga imbensyon ng mga Ehipsiyo ay tugon sa kanilang mga pangunahing pangngailangan.
  Bumuo rin ang mga Ehipsiyo ng isang kalendaryo na nakabase sa bituin na Sirius. Kilala ri sa larangan ng medisina ang mga sinaunang Ehipsiyo.


" Kabihasnan sa India "

       Sa lupain ng mga bansang Pakistan at India nagmula rin ang isang sinaunang Kabihasnan na sumibol rin sa lambak-ilog.  nakapagpatayo sila ng mga lungsod na natatangi ang pagpaplano at pagtatayo na tanda ng kanilang husay at kagalingan.

Heograpiya
    Sa hilagang bahagi ng sub-kontinente ng India sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak-ilog ng Indus.

Ang grid system na disenyo ng lungsod ng Mohenjo-Daro.

Nakalatag ang kanilang mga gusali sa planong grid system.






Panahong Vediko ng mga Aryano
    Nagmula sa Gitnang Asya ang mga mananakop na Aryano na pumasok sa lambak ng Indus simula 1500BCE. Ang tanging tala sa kanilang mga buhay ay mahahalaw sa mga Vedas.

Antas ng mga Tao sa Lipunan
    Ang nagpasimula ng sistemang kasta (caste system) ay ang mga Aryano na ang layunin ay ihiwalay ang mga Aryano sa mga nasakop nilang Drabidyano.

Panitikan
    Sa larangan ng panitikan, dalawang dakilang epiko ang nagmula sa India- ang Mahabharata at Ramayana.

Pananampalataya ng mga Aryano
    Tampuk na pinaunlad ng mga Aryano ang pananampalatayang Hinduismo. sa simula, magkaiba ang pinaniniwalaang diyos ng mga Aryano at ng kanilang mga nasasakupang Drabidyano. kalunan, unti-unting nagsanib ang mga paniniwala ng dalawang pangunahing pangkat ng tao s India.
    Ang Upanishads ay kalipunan ng diyalogo ng isang guro at mag-aaral.

Ang Buddhismo
    Ang nagturo ng Buddhismo sa India ay si Siddharta Gautama.

Jainismo
   Ayon sa mga nananalig sa Jainismo, lumitaw sa mundo sa magkakaibang panahon ang 24 na guro na nagturo sa mga tao upang mapalaya ang kanilang sarili mula sa karma. Tinawag silang mga Jina na nangangahulugang " mananakp " at mga tirthankaras o " silang mga nakahanap ng landas sa kaligtasan.


Imperyong Maurya 
   


kinilala bilang hari ng Magadha si Chadragupta Maurya. siya ay isang pinunong militar na nagpatalsik sa pamilyang Nanda na naghahari noon sa Magadha. pinalaki rin niya ang sakop ng kaharian at itinatag ang imperyong Maurya.





Imperyong Gupta
    Makalipas ang 500 taong kaguluhan at digmaan, mayroong muling lumitaw na mahusay na pinuno sa kaharian ng Magadha. Siya ay si Chandra Gupta na nagtatag ng imperyong Gupta.



" Kabihasnan sa China "

         Sa tabing ilog umusbong ang mga sinaunang pamayanan ng mga tsino.
     Nagtatag sila ng mga kaharian at imperyo na nagdala ng paglusong ng kabihasnan lalo a sa larangan ng pilosopiya at pamamahala.

Heograpiya
    Sa pagitan n mga ilog ng Huan Ho at Yangtze sumibol ang mga unang  pamayanan ng China.

Mga Unang Dinastiya

Dinastiyang Hsia
    Pinag-isa ng dinastiyang Hsia ang mga pamayanan sa paligod ng Huang Ho.

Dinastiyang Shang
    Ang dinastiyang Shang ang pumalit sa dinastiyang Hsia. ang tatlong pangunahing katangian ng paghahari ng mga Shang ay ang mga pagsusulat, kaalaman sa paggamit ng bronse, at ang antas sa lipunan.

Dinastiyang Zhou
    Napatalsik n mga Zhou ang dinastiyang Shang. ipinagpatuloy nila nag konsepto ng Tian Ming o " mandato ng langit na ang hari ay ang kinikilalang kinatawan ng langit sa mundo.

Dinastiyan Qin
   Ang nagtagumpay sa mga nagdigmaang estado ay ang dinastiyang Qin na pumalit sa dinstiyan Zhou.

Tinawag ng pinuno ng Qin ang kayang sarili na si Shing Huangdi na nangangahulugang unang emperador.
inutos ni Shi Huangdi sa lahat ng maharlikang pamilya ng bawat estado sa buong China na manirahan sa kabisera ng imperyo na Xianyang.
Upang maging sentralisado ang pamamahala, nagpagwa si Shi Huangdi ng mga daan at ipinag utosniya ang maayos na sistema ng pagsusulat, btas, pananalapi, at panukat.




Mga Pilosopiyan Lumitaw sa Huling Dalawang Dianstiya
    Tatlong Dinastiya ang nabuo sa China sa mahaba nitong kasaysayan. ito ang Confucianismo, Taoisimo, at Legalismo.

Confucianismo
   Si Confucuis ay ipinanganak sa panahon na ang dinastiyang Qin ay unti-unting nawasak dahil sa digmaan ng mga estado. namuhay siya bilang isang iskolar. Ayon sa kanyang pag-aaral, dapat taglayin ng bawat isa ang jen o ang kabutihan at pagmamahal sa kapwa.

Taoismo
    Ang Taoismo ay isa pang pilosopiyang sumibol sa China. Naniniwala si Lao-Tzu na ang pinakamahalagang gawain upang makamit ang kaayusan at kapayapaan ay ang pagpapaubayasa natural na takbo ng kalikasan.

Legalismo
    Sina Hanfeizi at Li Su ay dalawa sa mga nagsulong ng pilosopiyang Legalismo. Ang isang malakas na pamahalaan ang susi sa pananatili ng kaayusan, ayon sa pilosopiyang ito.  Kailangan ng isang pamahalaan ang mga batas upang wakasan ang kaguluhan at magdala ng kaayusan.
    Sa ilalim ng prinsipyong " ang pinuno ang namamahala at ang tao ay sumusunod ", tungkulin ng mga mga pinuno na panghimasukan ang kaisipan at kilos ng kaniyang mamamayanan. At upangh maipatupad ito, dapat na sunugin ng pinuno ang lahat ng mga sulatin na maaaring tumuligsa sa pamahalaan.


" Iba Pang Kabihasnan sa Asya " 

           tatalakayin ang mga sinaunang kabihasnan sa kanlurang Asya. Umabot ang mga ito sa rurokng kapangyarihan bilang mga sentro ng pamamahala at kalakalan angmga kabihasnan ng mga Hitito, Phoeneciano, at Persyano. naka ambag ang mga kulturang ito sa kasalukuyang kabihasnan ng tao.

Ang mga Hitito
    Nagmula sa mga damuhan ng Gitnang Asya ang mga Hitito. nabuo ang mga inperyong Hitito at itinatag nila bilang kabisera ang lungsod Hattusass. Naging makapangyarihan ang mga Hitito sa Kanlurang Asya.

Ang mga Phoeniciano
   Ang mga Phoeniciano , kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko.

Ang mga Persyano
    Nagmula ang makapangyarihang imperyo sa Persia sa malawak na talampas ng kasalukuyang Iran.

Pamahalaan
     naging mahirap para sa mga Persyano na pamahalaan ang napakalawak nilang imperyo. pero sa mahabang panahon, napanatili ng mga Persyano ang katatagan ng kanilang imperyo dahil sa mahusay na sistema ng kanilang komunikasyon.

Relihiyon
   Ang sinaunang relihiyon ng mga Persyano ay kahalintulad ng mga Aryano ng India.






1 komento:

  1. Golden Nugget Casino, Las Vegas, NV - MapYRO
    Golden Nugget Casino, Las Vegas, NV. 화성 출장샵 Closed. May 23, 2015. Casino Information. 계룡 출장샵 Contact Us ·. 충청남도 출장안마 Hours, Accepts Credit Cards, Wi-Fi, PokéStop, 강원도 출장마사지 PokéStop  Rating: 3.7 · ‎25 reviews 경주 출장샵

    TumugonBurahin